Pages

Wednesday, August 8, 2012

*Sigh.*

Napakarami naming requirements sa college ngayon. Kung tutuusin, dapat matuwa ka kung estudyante ka. Sa gawain ka raw gumagaling, e. At dumadating 'to sa napakababang presyo; buong-pusong handong ng PUP. Kung baga may ari ka ng kutsilyo, at halos nakakalibre ka ng hasa.

Konti pa at matatapos na naman ang semestre. Kung isasama ang Christmas break at bibilangin ang mga araw, aba, nakalagpas kalahati na kami. 'Di ako makapaniwala. Wala akong natatandaang effort o hard push, 'ika nga sa Ingles, na ginawa ko ngayong sem. Wala akong gana gumawa. Ba't ba 'ko nagkakaganito? Himayin nga natin. Tignan natin ng malapitan kung ba't hindi ako grade conscious, kahit kung tutuusin raw, hindi ako mahihirapang grumadweyt ng maraming nakasabit sa leeg.


'Yan ang mga gawain namin. Naipon lang siguro dahil midterms na. Wala ni isa sa mga 'yan ang makakatulong sa 'king mapag-igi ang pagsusulat ko. May kaibigan ako, si Erika. Kaklase ko siya dati sa PUP, pareho kami ng kurso. Pero matapos lang ang isang taon, lumipat siya ng UP para mag-aral ng Communication Research, isang kursong mas nakatuon sa facts and figures kaisa sa style and substance. Nung kinausap niya 'ko at binalitaan sa paglipat niya, inisip ko rin na sumunod. Pero dahil mahirap iwasang ulitin ang pagfe-first year sa isang unibersidad na wala akong kilala at maraming proseso pa ang dadaanan, 'di 'ko na lang tinuloy. Big mistake.

Ngayon, ang buhay ni Erika, e happy-go-lucky. Nakabisita ako sa kanya nitong nakaraang buwan at ang ginawa lang namin, kasama ng org niya, ay manood ng indie film, pumunta sa art exhibit, uminom dun, at magkwentuhan sa KFC. Sa tono ni Eka, e wala talaga siyang pakialam sa mga grado niya't performance. Pero akalain mo, parang ako pa 'ata ang kailangang magpaturo sa kanya kung pa'no magsulat ng mas dinamiko't nakapagbabago sa isipan ng iba. Parang noon lang, tinatawanan ko pa ang grammar niya sa mga status updates sa Facebook. Kahit kailan, 'di ako nakadama ng ganun sa ibang kakilala, kahit karamihan, e mas matalino sa 'kin at nag-aaral rin ng pamamahayag.

Magtatapos na ang sem, walang improvement sa 'kin! Totoo nga siguro ang sabi nila na 'di talaga grado ang sukatan ng galing, pero shit naman 'di ba. Kung ganun, bakit humihilig sa 'kin ang sandamakmak na requirements na 'to? Ang bigat, mawalang galang na. Para saan sila? Hay nako naman.

Shit.
Maybe this is just my frustration talking. Makagawa na nga. It's a shot in the dark, you know, beating the system. First up: Sports journalism requirements...

0 comments:

Post a Comment